Irvin’s Dedications


(well, these were written for my cousin Irvin Samaniego, he gave these to his classmates before they graduated high school

Aljan,

Ako’y naging masaya dahil ika’y aking nakilala,

Sa tuwing ako’y nag-iisa andyan ka handang makisama.

— Irvin

Jayson,

Simula nong tayo’y nagkatabi ,

Mga score ko’y palagi ng lumalaki,

Ako’y nagpapasalamat dahil ako’y iyong pinapa-copy.

— Irvin

Jay,

Ako’y natutuwa sa yong mga halakhak,

Kaya nama’y araw-araw ako’y nagagalak

Sa tuwing naririnig ko ang yong mga halakhak.

— Irvin

Edward A.

Sa tuwing ako’y may katanungan tungkol sa aking kapaligiran,

Andyan ka handang ipaalam lahat ng iyong nalalaman.

Ako’y nagpapasalamat at ika’y aking naging kaibigan.

— Irvin

Brylle,

Ika’y aking hinahangaan sa angkin mong kagalingan.

Lahat ng katanungan kaya mong bigyan ng kasagutan.

Hiling ko lang sana’y huwag mo kaming kalimutan.

— Irvin

John,

Isa ka sa mga matatalik kong kaibigan,

Araw-araw binibigyan mo ako ng kasiyahan.

At higit sa lahat tunay talaga na ika’y maaasahan sa oras ng

Aking pangangailangan at kalungkutan.

— Irvin

Gilmark,

Ika’y aking hinahangaan pagdating sa palakasan.

Hiling ko lang wag ka sanang maligaw sa pagpili ng iyong daan.

— Irvin

Arvin,

Araw- araw ako’y iyong pinapangiti,

Mga problema ko’y iyong napawi,

At ang kalungkutan ko’y iyong binabawi.

— Irvin

Fernnan,

Sa tuwing ika’y aking kasama,

Di ko mapigilan ang sarili ko na tumawa.

Salamat at palagi mo akong pinapatawa khit marami akong problema.

— Irvin

Keendolp,

Isa kang kaibigang maituturing,

Sa lahat ng bagay ika’y tunay na magaling.

Hiling ko lang sana’y mga pangarap mo’y tuluyan mo nang marating.

— Irvin

Tadashi,

Ika’y naging mabuting kaibigan sa akin.

Ako’y nagpapasalamat at tayo’y naging kaibigan pa rin,

Hiling ko lang sana’y itigil mo na ang paghahasik ng lagim… atik lang!

— Irvin

Jim,

Kaming lahat ay iyong pinapasaya

Sa mga sinasabi mong nakakatawa,

Pero sana’y matuto kang umunawa

Sa bawat hakbang na iyong ginagawa.

— Irvin

Mhel,

Ako’y iyong napahanga sa mga ginagawa mong mga tula,

Mahusay ka ring tumugtog ng gitara.

Ako’y natutuwa dahil nagagawa mo ito ng Malaya.

— Irvin

Jielver,

Sana ika’y tuluyan ng magbago at umiwas sa gulo,

Tigilan mo na rin ang masasamang bisyo.

Sana’y tuluran mo ang mga santo.

Pero alam ko talaga na ang puso mo’y purong-puro.

— Irvin

Ceassar,

Ako sayo’y sumasaludo,

Dahil di ka kaagad sumusuko,

Hiling ko lang sana’y harapin mo ang bukas ng buong-buo.

— Irvin

Roderick,

Nakakatuwa kang kaibigan,

Wala kang kinatatakutan.

Hiling ko lang ay lumayo ka sa kaguluhan

At masamng bisyo’y tuluyan ng iwasan.

— Irvin

Mozart,

Totoo ngang mayroon kang kakulitan,

Pero ako nama’y sumasaludo sa iyo pagdating sa palakasan. Sana’y wag mo itong pabayaan at matuto kang lumingon sa iyong pinanggalingan.

— Irvin

Ronald,

Sabi nila ikaw ra’y bobo,

Pero wag kang maniwala dahil di yon totoo,

Naiingit lamang sila sayo,

Alam kong may tinatago kang talento.

— Irvin

Allain,

Kakaiba ang iyong kinahiligan,

Kaya nama’y ika’y kinaiingitan,

Pero ika’y aking sinusuportahan kung ito lang ang iyong kasiyahan.

— Irvin

Edward L.

Magaling kang tumugtog ng gitara,

Na hindi kaya ng iba.

Tanong ko lang sayo, bakit nanununtok ka nalang bigla?

Meron ba kaming nagawang masama?

— Irvin

Lance,

Magaling ka pagdating sa palakasan,

At mahusay rin sa loob ng silid- aralan.

Hiling ko lang sana’y wag kang magbago at umiwas ka sa anumang gulo.

— Irvin

Jokko,

Ako’y iyong napahanga sa yong mga guhit,

Kahit na ika’y maliit,

Kaya mong harapin ang buhay na puno ng pait,

At di ka sumusuko kahit na ika’y iniipit.
— Irvin

Jonathan,

May talento kang maibubuga,

Gaya nalang ng pagtugtog ng gitara. Sana ituring mo ito na mahalaga at laging isaisip na ito’y iyong dinadala saan Kaman magpunta.

— Irvin

Mizraim,

Ako sayo’y natutuwa, pagkat palagi mo akong pinapasaya.

Hiling ko lang na sana tayo pa’y muling magkitaat magkasama.

— Irvin

Maxwell,

Likas ka ngang matalino, pero,

Totoo ba na ika’y hambugero?

Sana nama’y di ito totoo, dahil alam ko na ika’y marunong rumespeto at gumalang sa damdamin ng bawat tao.

— Irvin

Jayvee,

Aking binalikan ang panahon, na tayo’y

Matalik pa na magkaibigan,

Di ko naman ito pinagsisihan dahil ramdam ko ang kasiyan na hatid sa aking katauhan.

— Irvin

Carlo,

Mahigit 6 na taon na tayong magkaibigan,

Mahigit 6 na taon mo na rin akong binibigyang kasiyahan.

At sana tumagal pa ng mahigit 6 na taon an gating pagkakaibigan.

— Irvin

Ryan,

Palagi mo kaming pinapatawa,

Nalilimutan tuloy namin ang aming problema. Pero wag mo lang sanang pasobrahan dahil ang damdamin ng iba’y nasasaktan.

— Irvin

Venz,

Hindi ka naghahanap ng gulo,

Kahit na palagi kang tinutukso.

Hayaan mo nalang sila,

Dahil naiingit lamang sila sayo.

— Irvin

Joanah,

Ako’y nahihirapan na makipag usap sayo,

Dahil tagalong ang wika mo.

Pero ganon pa man.

Ako’y masaya at ika’y aking naging kaibigan.

— Irvin

Monique,

Sadyang magaling kang tumugtog ng gitara,

Hilig mo rin ang makinig ng musika,

At marunong ding kumanta,

Hiling ko lang, wag mo sana akong malimutan kapag ika’y sikat na.

— Irvin

Maita,

Isa kang mabuting kaibigan,

Kaya lang ika’y napaka “tabian”.

Tuloy ika’y napapagalitan.

Pero ganon pa man ako’y bilib sayo dahil mga problema mo’y iyong nalampasan.

—Irvin

Emerald,

Ako sayo’y natutuwa sa tuwing naririnig kitang tumatawa..

Para kasing mga problema ko’y nawala na para bang mga bula.

Ako’y magpapasalamat, dahil kahit minsan ika’y aking nakasama.

— Irvin

Wil Joyce,

Kala mo lang… I’m happy w/ other friends,

Na nakalimutan na kita, wat u don’t know is, sa araw-araw na kasama ko sila, I wish 4 nothing else than” san kasama rin kita”.

— Irvin

Illusion

Your eyes struggle to

See through the road covered with

Mists of the cold land

By:Valmar

Advertisements

~ by Specter on February 7, 2009.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: